POE: Mas klaro na ngayon na ang mga MRT train na inorder noong nakaraang administrasyon ay hindi talaga compatible sa ating mga riles ngayon

Sen. Grace Poe on DOTr Budget:

Tinanong natin kung ano yung magiging proyekto nila by next year na kailangan nila. 

Marami silang mga i-oorder na trains para sa mga ibang linya ng MRT at LRT, isa iyan sa sinasabi nila. 

Pangalawa yung groundbreaking ng subway system, iyan ay ilan lamang sa mga proyekto nila na bilyon talaga ang magiging halaga. 

Pero yung isa sa pinagtutuunan ko ngayon ng pansin ay ang walang katapusang problema sa MRT, ikinalulungkot kong sabihin na mas klaro na ngayon na ang mga train na inorder noong nakaraang administrasyon ay hindi talaga compatible sa ating mga riles ngayon, na baka kailangan nating isauli at hindi bayaran. 

Mag-uumpisa na naman tayo sa umpisa na kumuha ng mga train na maayos. Nangyari na ito sa ibang bansa tulad ng Singapore na nag-order sila ng train sa Dalian at hindi tumugma kaya ibinalik nila, kaya siguro ito ang mangyayari din sa atin ngayon, pero ang problema ko lang ngayon ay ang patuloy na aberya sa MRT, ang kaligtasan ng ating mga mananakay.

Ang sabi mag-uumpisa na daw silang kumuha ng independent auditor na mag-cecertify, ibig sabihin yung walang kinalaman sa pulitika, sa teknikal na bagay lamang na magsasabi kung ano talaga ang problema dito sa ating mga tren. 

Mag-uumpisa sila, I think, within the next month para suriin nang mabuti ang problema at maibalik na ang depektibong tren na iyan sa Dalian. 

At saka pa lang pwedeng mag-negotiate.

Leave a comment